Jeruta Nagbida si Aaron Jeruta para sa GenSan Warriors.

Quezon, GenSan, Zamboanga pakitang gilas sa MPBL

Robert Andaya Mar 20, 2025
42 Views

TWO out of two para sa Quezon Province, General Santos City at Zamboanga.

Sumandal sa kanilang matikas na depensa ang Quezon Huskers para humugot ng 58-45 panalo laban sa Cebu ClassiC at itakda ang six-way tie para sa top spot ng Manny Pacquiao presents 1XBet-MPBL 2025 Season sa Bataan People’s Center sa Balanga City.

Pinayuko naman ng Gensan Warriors ang Bataan Risers, 77-74, habang winalis ng Zamboanga ang Sarangani, 82-67, sa round-robin elimination round ng 30-team tournament.

Ito ang ika-dalawang sunod na panalo para sa Quezon, Gensan at Zamboanga upang tumabla sa Abra, Pangasinan at Abra para sa top spot.

Nalimitahan ng Huskers ang Cebu gunners sa 30 points sa three quarters bago umasa sa 10-point effort ni LJ Gonzales sa fourth quarter upang patatagin ang kanilang kampanya.para sa South Division crown

Nanguna si Gonzales sa kanyang 12 points, six rebounds, five assists at four steals upang masungkit ang “Best Player of the Game” honor laban kay Jason Opiso, na may 13 points at seven rebounds.

Nagkatulong din si Vince Magbuhos sa kanyang 10 points at seven rebounds.

Ang Cebu, na bumagsak sa 1-1, ay nakakuha ng 10 points, three rebounds at two assists mula kay Darell Manliguez.

Nagdagdag si Vincent Martel ng nine points at four rebounds habang nag-ambag si Ladis Lepalam ng six points at nine rebounds para sa Cebu.

Mahigpitan din ang naging sagupaan ng GenSan-Bataan, na kung saan bumangon ang Risers mula 61-71 sa huling 6:15 ng laro.

Isang triple ni Yves Sazon ang nagtulak pa sa Bataan sa 71-72, bago nakaiskor si Mark Cruz ng isa sa tatlong charities at nakapag-drive si Joel Lee Yu para maitakas ang panalo.

Naging panauhing pang-dangal si MPBL founder at CEO Sen. Manny Pacquiao, na dumayo pa sa Balanga upang manood ng laro.