MRT

Raffy umapela na magtalaga ng pulis sa MRT stations

119 Views

UMAPELA si Sen. Raffy Tulfo sa Philippine National Police na magtalaga ng mga pulis sa lahat ng istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) matapos makatanggap ng impormasyon na talamak ang pandurukot at iba pang krimen sa lahat halos ng istasyon nito.

Sa sulat sa PNP at National Capital Region Police Office noong Hulyo 1, sinabi ni Tulfo sa mga kapulisan na dapat maging bahagi ng kanilang responsibilidad ang pagsakay sa mga tren upang mabilis silang makaresponde sa anumang krimen.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Public Services, binigyang-diin ni Tulfo na dapat well-trained ang mga pulis sa pag-spot sa mga mandurukot at sa iba pang mga masamang loob sa MRT.

Sa huli, sinabi rin ni Tulfo na dapat ipakita sa mga istasyon ng MRT ang mga litrato ng mga nasakoteng indibidwal at sketch ng mga pinaghihinalaang nagsasagawa ng krimen para maimpormahan ang publiko.

Para masiguro ang compliance sa kanyang mga iminungkahi, sinabi ni Tulfo na magpapatawag muli siya ng pagdinig sa pagtatapos ng Senate recess ngayong Hulyo.