Calendar
Rain or shine, paglilingkod ni Frasco para sa estudyante tuloy-tuloy
UMULAN man o bumago ay tuloy-tuloy parin ang ginagawang paglilingkod ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa libo-libong estudyante sa kanilang lalawigan matapos itong muling mamahagi ng scholarship sa Munisipalidad ng Tudela, Cebu.
Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang pamamahagi nito ng scholarship grant para sa 350 indigent students sa Munisipalidad ng Tuduela na nagkakahalaga ng P2.6 million sa kabuuan.
Habang 300 mahihirap na mag-aaral naman mula sa Munisipalidad ng Pilar ang matulungan din ng kongresista.
Ipinaliwanag ni Frasco na nananatiling prioridad nito ang pagtulong sa libo-libong estudyante sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng pamamahagi nito ng scholarship grant lalo na sa mga panahon na hirap ang kanilang mga magulang na sila’y pag-aralin.
Naninindigan si Frasco sa kaniyang commitment para suportahan ang mga mahihirap na mag-aaral sa kaniyang distrito upang tulungan silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa gitna ng krisis.
“I will continue to empower the youth of Cebu’s 5th District through my scholarship program. I am committed in supporting the students in my district in their journey to complete their education and achieve success in life,” ayon kay Frasco.