Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
Rape suspek laglag sa Batangas police
Jojo Cesar Magsombol
Sep 25, 2026
109
Views

BATANGAS City–Swak sa kulungan ang most wanted person sa operasyon sa Brgy. Gulod Itaas ng lungsod na ito.
Ayon kay PCol. Oliver Ebora, Batangas police director, tagumpay ang pag-aresto sa tulong ng Batangas City police bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Branch 1, ng Batangas City para sa suspek na si alyas Lito, 54.
Walang inirekomendang piyansa para sa mga kasong statutory rape, dalawang bilang at statutory acts of lasciviousness na kinakaharap ng suspek.
Kasalukuyang nakapiit na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon ang suspek.
Bahagi ang operasyong ng pinaigting na kampanya ng pulisya sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026
