NEPPO

NE parak dinampot 14 wanted suspek

Steve A. Gosuico Sep 25, 2026
199 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City–Labing-apat na indibidwal, kabilang ang dalawang tulak umano ng droga, ang nasakote dito noong Huwebes, ayon kay Nueva Ecija cop chief Col. Ritchie Claravall.

Nadakip ang dalawang hinihinalang tulak ng droga ng Cabanatuan City at Guimba police at nakumpiska ang 3.49 na gramo ng shabu na may halagang P23,732.

Kabilang sa 12 naaresto ang tatlong wanted persons na nahaharap sa libel.

Ang mga pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng San Isidro, Talugtug, at Lupao police.

Isang wanted person para sa qualified theft ang naaresto ng Cuyapo police at isang wanted person para sa paglabag sa RA 9165 ang naaresto ng Cabiao police.

Ayon kay Claravall, “Ang bawat pag-aresto sa isang akusado ay isang hakbang tungo sa pagtiyak ng pananagutan at pagpapalakas ng batas.

Mananatili kaming walang humpay sa aming mga operasyon sa manhunt at paiigtingin ang aming kampanya laban sa ilegal na droga.”