Rape

Rape suspek nasukol sa Munti

Edd Reyes Nov 13, 2026
61 Views

ARESTADO ang 23-anyos na puganteng nasa top 3 most wanted person ng pulis noong Huwebes sa Muntinlupa City dahil sa kasong rape by sexual intercourse.

Binasahan ng kanyang karapatan bilang akusado ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor si alyas “Parker” matapos masakote dakong alas-4 ng hapon sa Olympus Street, Camella 2E, Barangay Putatan.

Isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Unit ng Muntinlupa Police ang pagdakip sa pugante sa bisa ng warrant of arrest ng presiding judge ng Regional Trial Court Branch 276 ng lungsod para sa kasong rape by sexual intercourse.

Pinuri ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang mga pulis sa pagtugis sa wanted na kriminal.