Calendar
Re. Frasco namahagi ng scholarship para sa 2,000 mag-aaral sa Danao City
DAHIL sa isinusulong na adbokasiya ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco upang magkaroon ng sapat na edukasyon ang libo-libong kabataang estudyante sa kanilang lalawigan muli nitong pinangunahan ang pamamahagi ng scholarships para sa napakaraming mag-aaral sa Danao City.
Personal na ipinamahagi ng House Deputy Speaker ang scholarship na nagkakahakaga ng P8 milyon sa kabuuan para sa tinatayang dalawang-libong mahihirap na estudyante ng Danao City.
Namahagi din si Frasco ng limang brand new Acer Laptops na nagkakahalaga ng P25,000 bawat isa sa pamamagitan ng raffle upang magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Paliwanag ni Frasco na prayoridad nito ang edukasyon ng mga kabataang estudyante sa kanilang lalawigan upang tulungan silang magkaroon ng magandang kinabukasan sa darating na hinaharap.
Sabi pa ni Frasco, sa lahat ng mga isinusulong nitong proyekto, ang edukasyon ang kaniyang prayoridad dahil na rin sa kaniyang commitment na matulungan ang mga mahihirap na mag-aaral na makapag-tapos ng kanilang pag-aaral.
“Iyan ang ating commitment dahil sayang ang kinabukasan ng mga kabataang ito kung hindi sila makakapag-aral. Ayaw natin na ang mga kabataan ay tumanda na wala man lang pinag-aralan. Kaya sisikapin natin na sila ay ating matulungan,” wika ni Frasco.
Nagkaloob din ang House Deputy Speaker ng nasa P100,000 personal financial support para sa pagpapagawa at renovation ng San Isidro Labrador – Divine Mercy Chapel sa Balibali, Compostela Cebu.