Kamara1

Realignment ng P1.23B confidential funds tama—Mindanao solon

Mar Rodriguez Oct 23, 2023
185 Views

TAMA umano ang naging desisyon ng Kamara de Representantes na ilipat nag P1.23 bilyong confidential funds ng mga civilian agency sa mga ahensya na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa.

Dumagdag si South Cotabato 2nd District Rep. Peter B. Miguel sa mga kongresista na sumusuporta sa desisyon ng Kamara na ilipat ang confidential funds ng Department of Agriculture (DA), Department of Foreign Affairs (DFA), Office of the Vice-President (OVP), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Education (DepEd) sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pa.

“Regardless of the differing opinions – whether pro or anti-government – I firmly believe that we, in the House of Representatives, made the correct choice by reprioritizing these confidential and intelligence funds, originally allocated to agencies like DA, DFA, OVP, DICT, and DEPED, to enhance our national security efforts and safeguard our Philippine territory,” sabi ni Miguel.

Pagpapatuloy pa ng mambabatas, “From my perspective, this Congress bears the moral authority to address the public and reassure hard-working Filipino taxpayers, who contribute to the government’s funds, including Confidential Funds, that this reallocation serves the greater purpose of protecting our nation.”

Binigyan-diin ni Miguel ang ginawang pagsusuri ng Kamara sa budget upang matiyak na tama ang paglalaanan ng limitadong budget ng gobyerno para sa susunod na taon.

Sinabi ng kongresista na ang paglilipat ng pondo sa mga security agency ng gobyerno ay makatutulong sa posisyon ng bansa kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“What truly matters to me is that the Lower Chamber took the right course of action, irrespective of its popularity,” ani Miguel. “I am proud to stand in solidarity with the institution that embodies the spirit of being a ‘House of the People.’ I wholeheartedly support the House of Representatives and its esteemed House Leaders headed by Speaker Ferdinand G. Martin Romualdez.”