Reclamation project sinisi nina Chiz, Binay, Joel, Migz, JV sa kabi-kabilang baha

84 Views

ISINISI ng mga senador sa Manila Bay reclamation project sa ang kabi- kabilang pagbaha noong Miyerkules dahil sa super typhoon Carina.

Ayon kay Sen President Francis Chiz Escudero, nangangailangan ang proyekto ng matinding pagbusisi.

Ayon kay Escudero, may dapat papanagutin sa proyekto at dapat ipatawag ng Senado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para liwanagin ano ang ugat ng mga baha sa Metro Manila.

Ipinunto ni Escudero na ang ganitong paulit ulit na problema ngunit walang tiyak na solusyon ang mga awtoridad hindi katanggap-tanggap.

“Ganito na lang ba palagi? Tatanggapin na lang natin na kapag malakas ang ulan, magbabaha at mapaparalisa ang ikot ng buhay natin? Anong nangyari sa ‘building back better?” tanong ni Escudero.

Isinisi rin nina Sens. Juan Miguel Zubiri, Joseph Victor Ejercito, Joel Villanueva at Nancy Binay sa Manila Bay project kung bakit nangyari ang ganoong perwisyo na nagpalubog sa Greater Manila Area.

“This, I believe, is the consequence of all the reclamation happening in Manila Bay. Wala nang malabasan ang floodwater dito sa Pasay at Manila. Babaha at babaha na palagi diyan sa atin tuwing uulan ng malakas ,” ani Zubiri.

Para kay Sen. Ejercito, dapat lamang rebyuhin ng gobyerno ang proyekto dahil sa napakalaking problema na idinulot ng baha sa maraming parte ng bansa.

Para kay Sen. Binay, ngayon na kalmado na kahit papaano ang paligid napapanahon na upang mag isip at ipagtanto ng husto kung ano ang mga dapat ayusin at paghandaan.

“Climate change is real. The harsh and extreme weather is the new normal,” ayon kay Sen. Binay.

Para kay Sen. Bong Revilla Jr., iimbitahin niya ang iba’t-ibang ahensiya upang sagutin ang maraming tanong tungkol sa matinding pagbaha.

“This should not happen again,” ani Revilla.

Para kay Sen. Villanueva, dapat gisahin ang nasa likod ng proyektong reclamation sa Manila bay at nais din niyang papanagutin ang DPWH kung bakit sa kabila ng P1 billion budget nito kada araw para makontrol ang baha at masigurong may sapat na kahandaan ang kanilang ahensya, matinding baha pa rin ang kinaharap ng ating mga mamamayan.