MMDA

Regulasyon ng e-scooter, e-bike pinag-aaralan ng MMDA

225 Views

NAGSASAGAWA ng pag-aaral ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa ipatutupad na regulasyon sa mga electric scooter at electric bike sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Victor Nuñez, hepe ng Traffic Discipline Office for Enforcement ng MMDA, makabubuti kung lilimitahan lamang ang operasyon ang mga e-scooter at e-bike sa paggamit ng bike lanes at hindi payagan na makipagsabayan sa mga malalaking sasakyan.

Dapat din umanong mayroong lisensya ang nagmamaneho nito at ang mga e-bike at e-scooter na kayang may maximum speed capacity na 50 kilometro bawat oras ay dapat nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Nakikipag-ugnayan ang MMDA sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paggawa ng panuntunan.

Noong nakaraang taon ay 346 umano ang naitalang aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng e-scooter at e-bike.