Calendar
Rehab ng EDSA ikinagalak ng House Committee on Public Works
π‘πππ£ππππ¬ππ nang kagalakan ang Chairman ng House Committee on Public Works na si Surigao del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. matapos ang ginawang anunsiyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsisimula na ang rehabilitasyon ng EDSA sa darating na Disyembre 24, 2025.
Optimistiko din ang kongresista na malaking tulong at kaginhawahan ang maidudulot ng EDSA rehabilitation upang maibsan ang napakabigat na daloy ng trapiko sa nasabing highway partikular na sa kasagsagan ng rush hour.
Dagdag pa ni Momo na malaking tulong din para sa mga motorista ang walong buwang proseso ng rehabilitasyon sa halip na ito ay abutin ng napakatagal na panahon sapagkat tiyak na napakaraming mamamayan na gumagamit ng EDSA ang mape-perwisyo.
Samantala, pinangunahan ni Momo ang ginanap na road concreting project sa Barangay Diatagon, Lianga Surigao del Sur kasabay ang pagpapaabot nito ng taos pusong pasasalamat kay Mayor Amado “Boy” Layno.

