BBM

Rehabilitasyon ng pinsala ng bagyong Paeng sa Leyte prayoridad ni PBBM

192 Views

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tututukan ang rehabilitasyon ng Antique, isa sa napinsala ng bagyong Paeng.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos ang kanyang aerial inspection sa Antique.

“Tiningnan namin kung ano ‘yung mga nasira, iyong mga tulay, at gagawin namin kaagad lahat para maibalik. Magamit man lang — para naman matuloy ang pag-deliver, matuloy ang hanapbuhay, at makabalik na naman tayo sa normal bago tayo nagkabagyo ng ganito,” sabi ni Marcos.

Ayon sa Pangulo asahan umano ng mga taga-Antique ang pagtulong ng gobyerno sa kanila.

“Asahan po ninyo na lagi po kaming nandiyan kahit ‘di niyo po kami nakikita. Pagka mayroong ganitong bagyo at may mga naging biktima ay alam po namin ang mga pangyayari at ginagawa po namin lahat,” dagdag pa ni Marcos.

Sa kanyang pagdalaw sa probinsya ay dala ni Marcos ang iba’t ibang tulong mula sa programa ng iba’t ibang agensya.

Mahigit sa 1,000 indibidwal ang nabigyan ng financial aid na nagkakahalaga ng P5,000 bukod pa sa mga ipinamahaging food pack at hygiene kits at livelihood grant.