Trump US President-elect Donald Trump

Relasyon ng Pilipinas at Amerika hindi mababago sa pagpasok ni Trump

Chona Yu Nov 12, 2024
88 Views
BBM
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi mababago ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Amerika, matapos manalo si US President-elect Donald Trump.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa kanyang palagay ay walang mababago sa matibay na relasyon ng dalawang bansa.

“I don’t think it will change. The global forces that are our oldest treaty partner, that doesn’t change,” sagot ni Marcos sa isang ambush interview sa Parañaque City.

Sa kabila nito, susuriin pa rin ni Pangulong Marcos kung mayroong malaking pagbabago matapos mahalal ang susunod na presidente ng Amerika.

“So, I will have to see if there is a major change, but I don’t think so. I don’t think so,” dagdag pa niya.

Matatandaan na binati ni Marcos si Trump matapos ang pagkakapanalo nito sa eleksyon at umaasa na mas magiging mabunga at dynamic ang partnership ng Pilipinas at Amerika.

Ang Pilipinas at Amerika ay mayroong matibay na kooperasyon sa defense at security, trade at investment, food at energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.