BSP

Remittance na ipinadala sa bansa kumonti

171 Views

BUMABA ang halaga ng remittance na ipinadala sa bansa noong Agosto, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagkakahalaga umano ang remittance ng $2.721 bilyon, na mas mababa kumpara a $2.917 bilyon na pumasok noong Hulyo pero mas mataas sa $2.425 bilyon na pumasok noong Agosto 2021.

Mula Enero hanggang Agosto ang remittance na idinaan umano sa bangko at remittance center ay $20.985 bilyon na mas mataas ng 3 porsyento kumpara sa $20.380 bilyon na naitala sa unang walong buwan ng 2021.

Pangunahing pinanggalingan ng ipinadalang remittance ang Estados Unidos (41.7 porsyento), na sinundan ng Singapore (6.9 porsyento), Saudi Arabia (5.8 porsyento), at Japan (4.9 porsyento).