BSP

Remittance ng mga OFW lumobo—BSP

232 Views
LUMAKI ang halaga ng ipinadalang remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) noong Marso, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang cash remittance na dumaan sa mga bangko o money transfer company ay naitala sa $2.671 bilyon, mas mataas kumpara sa $2.569 bilyon noong Pebrero at sa $2.594 bilyon na naitala noong Marso 2022.

Ayon sa BSP umakyat sa P8.002 bilyon ang naipadalang remittance sa unang quarter ng 2023 mas mataas sa $7.771 bilyon na naitala sa unang tatlong buwan ng 2022.

Ang malaking bahagi umano ng remittance ay galing sa Estados Unidos, Singapore, Saudi Arabia, at United Arab Emirates.