Calendar
Rep. Acidre: Ebidensiya dapat mangibabaw sa impeachment trial
EBIDENSIYA at hindi popularidad ang dapat mangibabaw sa impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte.
Ito ang walang gatol na pahayag ni House committee on higher and technical education chair Rep. Jude Acidre sa ginanap na news forum noong Sabado.
Ayon sa kanya, walang pinagkaiba ang nakatakdang impeachment trial sa kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada noong ma-impeach noong Enero 2021.
“In 2001, Erap was a very popular president. The Senate was dominated by his allies. But it changed the perception of the people, ’yung ebidensiya, ’yung proseso,” sabi ni Acidre.
Nagtapos sa political crisis ang impeachment matapos hindi payagan ng senator-judges ang pagbubukas ng ikalawang envelope.
“Kaya ako may tiwala sa prosesong ito kung makikita lang ng taumbayan ang stake nila, ang papel nila sa nangyayaring ito. So hindi ito bago na pangyayari. Hindi ito first time na mag-i-impeach tayo ng napaka-popular na leader. Ginawa na natin ito dati,” paliwanag ni Acidre.
Ayon sa kanya, kung magpasya ng tama ang mga senador, mapapatunayan nila na walang sinuman ang exempted sa pagpapatupad ng batas.
“This is the defining moment for this generation. Walang isang salinlahi, walang isang generation that receives a perfect nation. Palaging may room for improvement ang pagka-Pilipino. Palaging may room for improvement ang Pilipinas. Ito ang panahon natin to make that improvement,” pahayag ng mambabatas.

