Frasco

Rep. Frasco hataw sa paglilingkod sa mga kababayan

Mar Rodriguez Jan 17, 2024
156 Views

Frasco1Frasco2Frasco3TODO kayod si House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa pagkakaloob ng tulong para sa kaniyang mga kababayan sa Cebu City kabilang na ang paglulunsad ng mga “infrastructure projects” sa munisipalidad ng Compostela.

Habang patuloy na naka-break ang session ng Kamara de Representantes, sinasamantala ni Frasco ang pagkakataon para magpaabot ng tulong at iba pang ayuda sa kaniyang mga kababayan.

Kasunod nito ang pag-turn over ng iba’t-ibang infrastructure projects sa kaniyang distrito.

Sinabi ni Frasco na hindi lamang paggawa ng batas ang kaniyang tungkulin sa Kongreso kundi ang magpa-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Frasco, sinasamantala niya ang break sa session para maiparamdam nito sa kaniyang mga kababayan ang kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong pinansiyal, pagpapadala ng mga pagkain at iba pang uri ng ayuda.

Puspusan din ang kaniyang pagsisikap sa mga infrastructure projects na pinasimulan nito tulad ng sa Compostela.

Inilunsad kamakailan ni Frasco ang tatlong mahahalagang infrastructure projects sa nasabing munisipalidad na nagkakahalaga ng P31 million sa kabuuan. Kabilang dito ang Sitio Mahagnao, Barangay Tag-Ube sa pamamagitan ng road concreting project na nagkakahalaga ng P12 million.

Idinagdag pa ni Frasco na kasama sa kaniyang proyekto ang Barangay Mulao na nagkaroon ng road concreting project na nagkakahalaga ng P15 million at Sitio Danicop, Barangay Basak na pinatayuan ng multi-purpose building na nagkakahalaga naman ng P4.4 million.