Davao city

Rep. Frasco inilunsad P85.7M road concreting project sa Danao City, Cebu

Mar Rodriguez Aug 15, 2023
134 Views

Davao city Davao city Davao city Davao cityPAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapa-simula ng “state-of-the-art” Liloan Pier 88 Sea Buses. Sinunod naman ni House Deputy Speaker at at Cebu City 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang paglulunsad ng P85.7 million road concreting project para sa Danao City, Cebu.

Nauna rito, ang Liloan Pier 88 o Liloan Port ay ang “pet project” ni Frasco na matagal na panahong binalangkas at naisakatuparan nga ngayong taon para maging kombinyente ang paglalakbay ng mga Cebuano papunta sa kanilang trabaho at iba pang mga lugar sa Cebu City.

Nabatid kay Frasco na matapos ang pagpapa-simula sa Liloan Pier 88 Sea Buses project, sinunod naman nila ang kasalukuyang road concreting sa Danao City at Barangay Quisol road concreting projects na pinondohan ng kaniyang tanggapan na nagkakahalaga ng P36.8 million.

Sinabi ni Frasco na kabilang na dito ang 42 solar streetlights na magbibigay ng malaking kombinyente para sa mga commuters at residente ng 1.4 kilometers na kalsada sa nabanggit na lugar.

Bukod dito, idinagdag pa ng kongresista na inilunsad din nito ang Barangay Masaba road concreting project na pinondohan naman ng P48.9 million na sumasakop sa 800 kilometers na kalsada kasama na aniya sa proyektong ito ang excavation, road widening at riprapping projects.

Ipinaliwanag ni Frasco na ang isinagawang road projects mula Barangay Taboc hanggang Barangay Dangasan ay inaasahang magbigay ng isang maayos, ligtas at komportableng paglalakbay para sa mga residente na dumadaan sa nasabing mga lugar partikular na para sa mga negosyante.

“These road projects from Barangay Taboc to Barangay Danasan will make it more comfortable and safer for the constituents of the mountain barangays of Danao City to travel from their homes to their respective places of work. Additionally, the famers can now bring their produce faster and safer to markets,” ayon kay Frasco.