Frasco1

Rep. Frasco isinasabuhay mensahe ng Kuwaresma: Pagbibigay tulong

Mar Rodriguez Mar 6, 2024
188 Views

FrascoFrasco2Frasco3Frasco4ISINASABUHAY ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang mensahe ng “Kuwaresma” o Lenten Season sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng tulong para sa mga nangangailangan.

Muling pinatunayan ni Frasco ang kaniyang pagiging “action man” matapos na mamahagi ang kongresista ng “scholarship grants” para sa tinatayang 116 estudyante sa Munisipalidad ng Liloan, Cebu.

Bukod sa pamamahagi ng “scholarship grant” pinagkalooban din ni Frasco ang bawat mag-aaral ng P25,000 na magagamit nila sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pambili ng mga libro at iba pang gamit sa paaralan.

Ayon kay Frasco, prayoridad nito ang larangan ng edukasyon kaya puspusan ang kaniyang pagsisikap na maipa-abot ang nararapat na tulong para sa mga estudyante sa kaniyang Distrito. Kung saan, nakipag-ugnayan din siya sa Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa inilunsad nitong programa.

Sinabi pa ng kongresista na personal din siyang nagbigay ng laptop para sa mag-aaral na si Fatima Goc-ong mula sa Munisipalidad ng Liloan na matagal ng recipient ng “Cong. Duke Frasco Personal Scholarship Grant”.

Magugunitang inani ni Frasco ang bunga ng kaniyang pagsisikap na makapaghatid ng de-kalidad at hindi matatawarang serbisyo para sa kaniyang mga kababayan matapos siya parangalan at kilalanin bilang “Outstanding Public Servant”.

Ipinabatid ng mambabatas na sa kaniyang termino bilang kinatawan ng 5th District sinisikap nitong maging “pro-active” ang kaniyang panunungkulan sa pamamagitan ng aktibong pagtulong sa mga taong nangangailangan at pagkakaloob ng tulong para sa kaniyang mga constituents.

“Congressman Frasco’s tenure in office has been characterized by his pro-active approach to legislation and his relentless pursuit of initiatives that benefit not only his district but also contribute significantly to national development,” pahayag naman ng Team Frasco.