Frasco

Rep. Frasco, non-stop sa pamamahagi ng scholarship grant para sa mga mag-aaral sa Cebu

Mar Rodriguez Oct 30, 2024
74 Views

Frasco1Frasco2Frasco3BAGAMA’T kasalukuyang nakabakasyon ang iba’t-ibang paaralan sa bansa upang bigyang daan ang pagdiriwang ng “Undas 2024”, ayaw paawat at papigil ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa pamamahagi ng tulong at serbisyo sa libo-libong mag-aaral sa kanilang lalawigan.

Muling pinangunahan ni Frasco ang pagkakaloob ng scholarship grant sa libo-libong mahihirap na estudyante partikukar na sa bayan ng Borbon kung saan umabot sa tinatayang P8.1 million ang kabuuang halaga ng scholarship na ipinamahagi ng kongresista kasama na ang cash assistante para sa mga mag-aaral.

Ayon sa House Deputy Speaker, ang 1,500 estudyante na binahaginan ng scholarship grant ay kabilang sa TeamFrasco scholars kasama ang libo-libo pang beneficiaries mula sa Munisipalidad Borbon.

Sabi pa ng mambabatas na bagama’t naka-break parin ang session ng Kamara de Representantes kasunod ng napipintong pagdiriwang ng Undas, tuloy-tuloy parin aniya ang pagbibigay ng tulong ng TeamFrasco.

Dagdag pa ni Frasco bukod sa cash assistance, namahagi rin ito ng limang bagong Acer Laptops sa pamamagitan ng raffle na nagkakahalaga naman ng P26,000 ang bawat unit upang maggamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Muling nanindigan si Frasco na ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kanilang lalawigan ang kaniyang pangunahing prayoridad sapagkat ayaw umano nitong mapariwara ang sinomang kabataang estudyante na hindi man lamang nakapag-tapos ng kanilang pag-aaral.

“Ang talagang priority natin ay ang pag-aaral ng mga estudyante kaya naman sinisikap natin na matutukan natin mabuti ang edukasyon dahil ayaw kong may isang estudyante dito sa Cebu ang hindi nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral,” sabi ni Frasco.