Frasco

Rep. Frasco super sipag sa pagtutok sa mga proyekto

Mar Rodriguez Oct 14, 2024
16 Views

Frasco1Frasco2Frasco3SUPER sipag” ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco upang patunayan sa kaniyang mga “constituents” na karapat-dapat siyang muling pagkatiwalaan bilang Kinatawan nila sa Kamara de Representantes.

Ito ay matapos pangunahan ng House Deputy Speaker ang pamamahagi at turnover ng mga bagong emergency vehicle na nagkakahalaga ng P2.3 million na inaasahang magbibigay ng napaka-laking pakinabang para sa mga residente Cebu City.

Bukod dito, nanguna din si Frasco sa inagurasyon ng bagong road concreting project na nagkakahalaga naman ng P2 milyon para sa Barangay Cahumayan, Danao City.

Ipinaliwanag ni Frasco na nais lamang nitong patunayan sa kaniyang mga kababayan na ang kaniyang paglilingkod ay hindi sa pamamagitan ng salita lamang kundi sa pamamaraan ng gawa na makikita sa kaniyang mga isinusulong na proyekto.

Dadgad pa ni Frasco, bukod sa mga nabanggit na proyekto. Namahagi rin siya mga computer na may kasamang printer upang maggamit at mapakinabangan ng mga estudyante.