Frasco

Rep. Frasco tuloy ang trabaho kahit Kamara naka-break

Mar Rodriguez Mar 21, 2024
131 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4NAG-ADJOURN na ang session ng Kamara de Representantes noong March 20 para sa Lenten Break subalit para kay House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco, tuloy-tuloy parin ang kaniyang pagse-serbisyo kahit naka-bakasyon ang Kongreso.

Nabatid ng People’s Taliba kay Frasco na binisita nito kamakailan ang Barangay Sabang, Danao City para pangunahan ang inagurasyon ng at blessing ng Shoreline Protection projects na nagkakahalaga ng P49 million sa Cebu North Coastal Road bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ng House Deputy Speaker na isinagawa ang shoreline protection projects para sa rehabilitation ng national road shoreline structures matapos itong masira at gumuho dulot ng nagdaang bagyo o kalamidad sa Cebu kabilang na ng super typhoon Odette na sumalanta sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Frasco, ang isinagawang proyekto ay sumaklaw sa dalawang Barangay sa Danao City tulad ng Barangay Sabang at Barangay Looc sa pamamagitan ng paglalagay ng “wave deflectors” at seawalls para maiwasan na ang malakas na impact ng bago sa oras ng kalamidad.

“Kahit pa naka-break ang session ng Kongreso, ang paglilingkod natin sa ating mga kababayan ay tuloy-tuloy parin dahil napakaraming dapat gawin para sa ating lalawigan, kasama na dito ang shoreline protection projects bilang protection sa panahon ng kalamidad,” sabi ni Frasco.

Nauna rito, isinabuhay ni Frasco ang tunay na pagiging “Kristiyano” hindi lamang sa salita kundi sa gawa matapos nitong sponsoran ang “libreng medical mission” sa Danao City kasabay ng pamamahagi nito ng libreng gamot.

Ayon kay Frasco, kasabay ng selebrasyon ng Semana Santa. Nais nitong ipakita ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano, hindi lamang sa pamamagitan ng salita kundi sa salita. Sa pamamaraan ng pagbabahagi ng tulong para sa mga mahihirap na mamamayan ng Cebu.