Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Libanan

Rep. Libanan nanalong lider ng minority bloc

323 Views

NANALONG lider ng minority bloc ng Kamara de Representantes si 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan.

Ipinaalam ni Northern Samar Rep. Paul Daza ang naging resulta ng botohan ng 25 miyembro ng minority bloc sa sesyon ng Mababang Kapulungan noong Martes, Hulyo 26.

“We are happy to announce and to put on the record the election of our new Minority leader, Congressman Nonoy Libanan,” sabi ni Daza.

Si Libanan ay dati ng nanungkulan bilang kinatawan ng Eastern Samar. Siya ay dati ring commissioner ng Bureau of immigration.

Nagpasalamat naman si Libanan sa mga nagbigay ng oportunidad sa kanya upang mamuno.