Along Malapitan

Rep. Malapitan bilib sa dedikasyon sa serbisyo ni Mayor Inday

265 Views

BILIB si Caloocan Rep. Dale “Along” Malapitan sa dedikasyon sa serbisyo ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Rep. Malapitan kasabay ang kanyang pag-endorso kay Duterte at paghikayat sa kanyang mga kababayan na ito ang iboto sa nalalapit na halaan.

Ayon kay Rep. Malapitan ang pagbubukas ng UniTeam headquarters sa kanilang lungsod ay tanda ng kanilang pakiki-isa sa panawagan ni Duterte at presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na magsama-sama para sa pag-unlad ng bansa.

“Ang pag-inaugurate po ng ating headquarters dito sa Camarin, Caloocan ay isang tanda na ang Uniteam ay may tahanan dito sa ating lungsod. Sama-sama nating ipakita na ang nais natin ay pagkakaisa na mabibigay sa atin at ganon din sa buong bansa,” sabi ni Rep. Malapitan.

Pinangunahan ni Duterte, Rep. Malapitan, at Mayor Oca Malapitan ang inagurasyon ng UniTeam headquarters ngayong Biyernes. Nakasama rin nila sina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at House Speaker Lord Allan Velasco.

“Sama-sama tayo na ipakita natin na ang Caloocan ay nagkakaisa para sa pagbabago,” dagdag pa ng kongresista.

Nagpasalamat naman ni Duterte sa pagsuporta ng Caloocan City sa kanyang kandidatura.

Nangako rin ito na itutuloy ang mga programa ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng ‘Build, Build, Build’ at paglaban sa kriminalidad upang maging maunlad at mapayapa ang bansa.