Rep. Mark

Rep. Mark Go kay Mayor Magalong: Suportahan financial aid para sa mga taga Baguio

25 Views

NANAWAGAN si Baguio City Rep. Mark Go kay Mayor Benjamin Magalong na suportahan ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga residente ng kanilang siyudad.

Hinamon din ni Go si Magalong na huwag haluan ng politika ang isang magandang programa ng gobyerno.

Pinasinungalingan din ni Go ang paratang ni Magalong na ang Office of the Speaker ng Kamara de Representantes diumano ang nagfa-facilitate ng disbursement ng financial assistance mula sa mga programa ng gobyerno na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) gamit ang “7-7-7 Ayuda System.”

“Hindi totoo ang sinasabi niyang ‘seven-seven-seven.’ AKAP, AICS and TUPAD are national government programs of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. with well-defined processes and oversight mechanisms,” ani Go.

“Ginagawa po natin ang ating trabaho para masiguradong may budget ang mga national programs para sa Baguio. Dapat supportive at nakikipagtulungan siya kapag naipaglalaban natin ang budget para sa Baguio City dahil tumutulong ito na guminhawa ang buhay ng mga higit na nangangailangan,” dagdag pa ng mambabatas.

Ipinunto ni Go na ang mga lokal na pamahalaan ay mayroon ding kanya-kanyang programa at proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang city government ay may social funds rin at alam ko na ginagamit niya rin ito para sa mga taga-Baguio. Supportive tayo dito,” saad ng mambabatas.

Dagdag pa ni Go, “Our role is limited in facilitating these government assistance programs, which are implemented strictly in accordance with the law and existing guidelines. Every peso is accounted for and used solely to benefit those in need.”

“These funds are not tied to any individual or office but are directly allocated to support our fellow Filipinos in need,” giit pa ng kongresista.