Statement

Rep. Momo: Para sa ’19 polls lang account namin ni Rep. Gardiola

Mar Rodriguez Jan 13, 2026
128 Views

BINIGYANG-diin ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. na para lamang sa eleksyon noong 2019 ang joint account nila ni CWS Party List Rep. Edwin Gardiola.

Ito ang pagbibigay linaw ng kongresista alinsunod sa post sa FB page niya matapos mapaulat na “na-freeze” ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang account sa Philippine Business Bank (PBB) na nasa pangalan nila ni Gardiola.

Ipinaliwanag ni Momo na ang account ay binuksan nila ni Gardiola noong 2019 para sa kanilang pangangampanya kung saan siya ang first nominee ng CWS Party List.

“To set the record straight, this account was opened in 2019 during our campaign as nominee of the CWS Party List where I served as first nominee with Mr. Gardiola and Mr. Torreja as second and third nominees, respectively,” pahayag ni Momo sa kanyang FB page.

“To the best of my knowledge, the account has remained dormant since 2019. Although it was not formally closed, it has had no transaction and is in no way connected to my current official duties or personal activities,” dagdag ng kongresista.

Ipinahayag pa ni Momo na magka-gayunman ay iginagalang pa rin niya ang proseso ng batas at patuloy siyang makikipag-tulungan sa mga legal na proseso.