Calendar
Rep. Romualdez: Suporta sa BBM-Sara tandem, Tingog partylist nadagdagan pa
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga grupo na sumusuporta kina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.
Bukod kina Marcos at Duterte, sinabi ni Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) President at House Majority Leader Martin Romualdez na suportado rin ng Scouts Royale Brotherhood International Service Fraternity and Sorority, Inc. (SRB) ang Tingog partylist na pinamumunuan ni Rep. Yedda Marie Romualdez.
Ang pagsuporta ng SRB, isa sa pinakamalaking fraternity sa bansa ay ginawa sa pamamagitan ng isang Manifesto of Unity and Support.
Naniniwala umano ang SRB sa kakayanan, magagawa, at panawagan nina Marcos at Duterte na kailangan ang pagkakaisa upang maabot ng bansa ang inaasam na kaunlaran.
Kumbinsido rin ang SRB sa magagawa ng Tingog partylist sa Kongreso upang matulungan ang mga Pilipino na nasa mga probinsya.
“SRB is convinced that TINGOG Partylist’a thrust of championing regional development is critical in charting a productive future as the Philippines reels from the effects of the COVID-19 pandemic. The countryside progress that TINGOG Partylist aspires for is consistent to SRB’s vision of molding individuals who aspire to work in brotherhood for the betterment of society,” sabi ng SRB.
Sinabi ng SRB na kumbinsido ito na itataguyod ng mga nominee ng Tingog partylist na sina Yedda Marie Romualdez, Jude Acidre, at Karla Estrada ang kapakanan ng mga Pilipino sa kanilang pag-upo sa Kongreso.
Lubos namang nagpasalamat si Majority Leader Romualdez sa dagdag na suporta kina Marcos, Duterte, at Tingog party-list.
“We welcome the support. We are glad that more and more groups and organizations such as the SRB are hearing the messages of hope, economic recovery and development of the BBM-SARA tandem, and are heeding its call for unity,” sabi ni Rep. Romualdez.