Tambut

Rep. Tan-Tambut, naghain ng COC para kumandidatong Vice-Mayor ng Sulu

Cory Martinez Oct 11, 2024
99 Views

Tambut1Tambut2MATAPOS mapaso ang kaniyang ikatlo at huling termino bilang Kinatawan ng Kusug Tausug sa Kamara de Representantes susubukin naman ni Congresswoman Shernee Tan-Tambut ang kaniyang kapalaran makaraang maghain ito ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) para kumandidatong Vice-Mayor sa kaniyang sariling bayan sa Maimbung, sa lalawigan ng Sulu sa darating na 2025 mid-term elections.

Ayon kay Tan-Tambut, ayaw nitong matapos lamang sa pagiging Kinatawan ng Kusug Tausug Party List ang kaniyang paglilingkod. Bagkos, nais nitong magtuloy-tuloy ang kaniyang serbisyo para sa libo-libong mamamayan ng Sulu sa pamamagitan ng paglilingkod bilang susunod na Vice-Mayor ng nasabing bayan.

Sabi pa ni Tan-Tambut na sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang paglilingkod bilang mambabatas sa ilalim ng 17th hanggang 19th Congress. Epektibo umano nitong napaglingkuran ang kaniyang mga kababayan bilang boses nila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nabatid pa ng People’s Taliba na naka-tatlong termino si Tan-Tambut subalit sa 17th Congress niya binatikos ang issue tungkol sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong 18th at 19th Congress.

Siya ang pinaka-batang mambabatas noong 17th Congress kung saan inihalintulad ang kongresista bilang babaeng “David” sapagkat sinagupa umano nito ang napakaraming “Goliath” sa Kamara de Representantes na nagtangkang patahimik ito dahil sa kaniyang mariing pagtutol sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Magugunitang matapang na hinikayat ni Tan-Tambut si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdeklara ng martial law sa Mindanao.

Isa rin si Tan-Tambut sa ilang mambabatas na tumutol sa probisyon ng plebesito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kung saan isinaad ng probisyon na oras na aprubahan ng karamihan sa ARMM ng BOL.

Ayon kay Tan-Tambut, tinanggal ng probisyong ito ang karapatang magdesisyon ang bawat probinsiya kung lalahok sila sa BARMM.

Dagdag pa ng Party List Lady solon, ang paninindigan niyang ito ay pinatotohanan ng Korte Suprema sa desisyon nito noong nakaraang buwan na hindi dapat kabilang sa ARMM ang Sulu. Ayon sa boto ng mga taga-Sulu sa plebesito. Kung saan, ayaw nilang mapabilang sa BARMM.

Nabatid pa na walang humpay ang pagsusulong ng kongresista sa mga produktong mula sa Sulu province kasama na dito ang promosyon ng kasaysayan at kultura ng mga mamamayan ng lalawigan.

Sinisikap din ni Tan-Tambut na maipabatid sa napakaraming Pilipino lalo na ang mga negosyante na naibalik na ang peace and order sa kanilang lalawigan (Sulu) at maaari ng magtayo ng iba’t-ibang negosyo at pamumuhunan sa Sulu.