Tiangco

Rep. Tiangco nanawagang suportahan implementasyon ng EPAHP ng PBBM admin

Edd Reyes Oct 31, 2024
80 Views

HINIMOK ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang lahat ng local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang kagutuman.

“We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” pahayag ni Tiangco.

“We cannot over estimate how LGUs play a crucial role in implementing programs towards zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture. Together with partner organizations, our united effort will ensure that no Filipino will go hungry,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang memorandum circular na nagsasanib sa mga ahensiya ng pamahalaan at pandaigdigang organisasyon na nakatuong maging katotohanan na wala ng magugutom na pamilya sa Pilipinas.

“Through EPAHP, the government can provide credit and insurance assistance and directly connect community-based organizations (CBOs) to government feeding programs,” paliwanag ni Tiangco.

“As of May 2024, this initiative has generated more than P200 million worth of sales and contracts between 122 CBOs and government feeding programs. We are confident that with proper LGU support, we can do more in the coming months,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Tiangco, bubuuin ang 14-na miyembro ng EPAHP Steering Committee na pamumuuan ng Kalihim ng DSWD upang matiyak ang maayos na implementasyon at pagmonitor sa programa.

“President Marcos wants the necessary framework in place to ensure the effective implementation of all the measures under EPAHP,” sabi ni Tiangco.

“Quarterly monitoring and evaluation of the program will also be done to regularly check if resources are being used for activities that will achieve EPAHP’s intended goals,” dagdag pa niya.