Calendar
Rep. Tulfo, ACT-CIS tinutulak kulong habambuhay, P10M multa sa manloloko ng OFW
ITINUTULAK ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist ang mas mabigat na parusa at pagkakulong sa sinumang manloloko at mambibiktima ng nga OFW at ng kanyang pamilya.
Ihahain ngayong Lunes (Enero 13), sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso, ni Cong. Tulfo at mga kasamahan ang House Bill na “an act penalizing fraud against Overseas Filipino Workers (OFW) and providing penalties for violation thereof.”
Kasama ni Tulfo na maghahain ng panukalang batas ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo.
“Kadalasan ang natatanggap naming sumbong ay mga OFW na binibiktima ng mga scammer lalo na tuwing uuwi sila sa Pilipinas”, ani Cong. Tulfo.
Paliwanag ni Cong. Tulfo, “Sa halip kasi na mapunta sa kanilang pamilya o iipunin ang perang pinaghirapan sa ibang bansa ay sa mga manloloko lang napupunta”, dagdag pa niya”.
Ayon kay Tulfo kalimitan ay na-i-scam ang mga OFW sa mga business investment tulad ng networkin o lending, college plan ng mga bata, at pabahay.
“Dapat na itong wakasan, kailangan natin ang batas na magpo-protekta sa mga OFW,” ani Tulfo sa kanyang pahayag
“This Act, known as the “Overseas Filipino Worker Protection Against Fraud Act of 2025”, recognizes the invaluable contributions of Overseas Filipino Workers (OFWs) to national development and aims to protect their hard-earned income from exploitation and abuse,” ayon sa panukalang batas.
Hindi bababa sa P10 milyon ang multa at 20 taon hanggang life imprisonment sa sino mang mapapatunayang nagkasala sa panloloko sa mga OFW.
“The Act enforces significant penalties for offenders, including hefty fines and imprisonment, while emphasizing restitution so that victims of fraud can recover their financial losses,”ayon sa panukalang batas.
“This comprehensive approach highlights the government’s dedication to safeguarding the welfare of OFWs and securing their financial stability, fostering an environment where they can contribute to national development without fear of exploitation. This Act represents a vital step toward empowering OFWs and protecting their hard-earned income,” dagdag pa nito.
“Ilang taon nilang inipon ang pera at nagtiis na mawalay sa pamilya para kumita tapos itatakbo lang ng mga scammer…tama na!!!,” pahabol ni Tulfo.