Tulfo Inilalagay ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Latorilla Gavan ang insignia kay ACT CIS Partylist Representative Erwin Tulfo bilang bagong commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary. Kasama sa mga bagong miyembro sina Rep. Eric Yap, Rep. Edvic Yap, Jerico Javier at Atty. Mac Jefferson Mancenido. JONJON C. REYES

Rep. Tulfo miymebro na ng PCGA na may ranggong commodore

Jon-jon Reyes Oct 24, 2024
50 Views

MIYEMBRO na ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na may ranggong commodore.

Bukod kay Rep. Tulfo, commodore na rin ng PCG Auxiliary sina Benguet Rep. Eric Yap, ACT CIS partylist Rep. Edvic Yap at PCGA commander sina ACT CIS partylist Chief of Staff Jerico Javier at Atty. Mach Jefferson Mancenido, ang head legal ng ACT CIS partylist.

Matapos ang kanilang oathtaking, nanumpa na rin sa kanilang mga bagong tungkulin ang grupo ni Commodore Tulfo.

Bilang bagong PCG Auxiliary, binigyang-diin ni Tulfo na ang kanyang ranggo ay hindi pribilehiyo kundi kumakatawan sa tungkulin, pagsagot sa panawagan na mamuhay na may integridad at magsilbi ng may dedikasyon lalo na sa mga mahahalagang bahagi ng kaligtasang pandagat, proteksyon sa kapaligiran at serbisyo sa komunidad.

Gumaganap ang PCG Auxiliary ng mahalagang papel bilang katuwang ng Philippine Coast Guard, Sandatahang Lakas ng Pilipinas at pulisya na nagbibigay ng tulong sa panahon ng mga kalamidad, nagsasagawa ng rescue missions at nagtataguyod para sa proteksyon ng karagatan ng bansa.