Calendar
Rep Unabia: Mataas na rating ni Speaker Romualdez patunay na nasa tamang lugar ang puso nito
PARA kay Misamis Oriental Rep. Christian S. Unabia ang pagtulong umano ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa administrasyong Marcos upang mapababa ang presyo ng bigas, sibuyas, at iba pang pangunahing pagkain ang nasa likod ng pagtaas ng trust at performance rating nito.
Pinuri ni Unabia si Speaker Romualdez sa mabuting pagtatrabaho nito upang maisulong ang interest ng mga Pilipino.
“The Speaker’s heart is at the right place,” ani Unabia. “All our efforts under the leadership of Speaker have paid off. They started bearing fruit now. And clearly, it was a step on the right direction.
Although we should still not be contented with this, we still have to work harder.”
Sinuportahan din ni Unabia ang naging hakbang ng Kamara na itaas ang budget ng mga national security agency para sa susunod na taon.
Kinilala rin ni Unabia ang natatanging pamumuno ni Speaker Romualdez upang mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin na lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mga maralitang pamilya.
“The Speaker has always been focused on his job. He made it clear to us that passing the LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) bills meant improving the lives of our countrymen who have been struggling with life at every turn, and even worsened by the pandemic and record-high inflation,” dagdag pa ni Unabia.
Batay sa resulta ng survey ng Octa Research mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 60 porsyentong trust rating na mas mataas sa 54 porsyento na nakuha nito sa survey noong Hulyo.
Si Speaker Romualdez ay nakapagtala naman ng 61 porsyentong performance rating, mas mataas kumpara sa 55 porsyentong nakuha nito noong Hulyo.