Gatchalian1

Resulta sa tugon sa krisis hiling ni Sen. Win

66 Views

IGINIIT ni Sen. Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na magpakita ng resulta sa pagtugon sa krisis at maglatag ng malinaw na recovery roadmap para sa mga taong pasan pa rin ang “two burdens, cost and uncertainty.”

Inilipat ni Gatchalian ang pokus ng pinakahuling talakayan kaugnay ng sigalot sa Gitnang Silangan mula sa usapin ng pagkakaroon ng mga polisiya at pondo tungo sa aktuwal na nararamdaman ng mga tao 45 araw matapos magsimula ang krisis.

Sa pagdinig noong Abril 13 ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy Committee, sinabi ni Gatchalian na bagama’t positibong development ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may watawat ng Pilipinas sa Strait of Hormuz at ang dalawang linggong ceasefire, hindi ito sapat upang maibsan ang pangmatagalang bigat na dinadala ng mga mamimili.

“Given this, it is important to revisit the direction of our discussions. During the first hearing, the committee asked whether the government was ready to face this crisis through a comprehensive, cohesive, and strategic national contingency plan, despite the various initiatives already undertaken,” ani Gatchalian.

Binanggit niya na naglaan na ang Department of Budget and Management ng P238 bilyon para sa transport sector, gayundin para sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang social protection program, ngunit iginiit niyang hindi na sapat ang mga plano lamang.

Ayon kay Gatchalian, kailangang makaalis ang bansa sa survival mode at magsimulang maghanda para sa pagbangon kahit matapos pa agad ang digmaan.

“Should the war end tomorrow, we need to see a roadmap to recovery,” aniya.

Nanawagan siya ng malinaw na paliwanag kung alin sa mga hakbang ang ipinatutupad na, alin ang nakatakdang ilunsad at alin ang nasa yugto pa lamang ng pagpaplano, dahil nararapat malaman ng publiko kung paano at kailan darating ang ayuda.