BBM

PBBM pinatunayang di siya nakaratay sa ospital

122 Views

SA gitna ng mga ulat na may sakit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at umano’y nakaratay sa ospital, nagbahagi ang Malacañang ng isang video na nagpapakita na nasa mabuting kalagayan at maayos ang lagay ng Pangulo.

Sa video makikitang pabirong nagjujumping jack ang Pangulo at masiglang tumatalon, patunay na wala siyang iniindang karamdaman.

Ngayong Abril 13, nagtungo ang Pangulo sa New Executive Building ng Malacañang upang personal na ipahayag ang mga hakbang ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga produkto sa gitna ng nararamdamang epekto ng krisis sa Middle East.