Hataman

Review ng operation ng NPC-SPUG isinulohg

Mar Rodriguez Jan 26, 2023
144 Views

HINIHILING ng isang Muslim congressman sa House Committee on Energy na repasuhin nito o isa-ilalim sa masusing pagre-review ang operation ng National Power Corporation – Small Power Utility Group (NPC-SPUG) sa gitna ng napabalitang “reduction” ng electricity services sa mga lugar na nasasakupan ng nasabing kompanya.

Isinulong ni House Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv S. Hataman ang isang House Resolution para hilingin sa Energy Committee ang pagrepaso sa operation ng NPC-SPUG sa harao ng napipintong power outages na magsisimula sa Pebrero 1.

Sinabi ni Hataman na lumabas ang anunsiyo sa power outages ilang buwan matapos magsimula ang power crisis sa ilang bahagi ng Basilan kabilang na ang mga lugar sa Mindanao. Kung saan, ang idinahilan ng NPC-SPUG patungkol dito ay ang kakulangan ng fuel supply.

Binigyang diin ni Hataman na matagal na aniya pino-problema ng mga Island-provinces tulad ng Basilan ang power crisis. Habang lagi na lamang nagtitiis ang mga residente sa kanilang lalawigan bunsod ng hindi maasahan o “unreliable” na power service ng NAPOCOR.

Dahil dito, iginiit ng Muslim solon na dapat ng rebyuhin ang ang operation ng NPC-SPUG upang masolusyunan ang nsabing problema na nagsisilbing pahirap at kalbaryo sa mga residente ng Basilan.

“Hindi naman tama na tatanggapin na lang namin an gaming kalagayan. Baka dapat tingnan na natin ang batas at pag-usapan ang mga solusyon sa problema ng NAPOCOR para hindi na paulit-ulit ang ganitong mga pangyayari. Matagal na itong problema ng mga Island-provinces tulad ng aming lalawigan sa Basilan,” ayon kay Hataman.

Nakapaloob sa resolusyon ni Hataman ang pana