WOD Ayon sa Quad Comittee, malinaw na ang reward system ang dahilan kung bakit marami ang nasawi sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon. File photo ni JONJON C. REYES

Reward system ng Duterte drug war malinaw na— Quad Comm leaders

105 Views

PARA sa mga lider ng House Quad Committee ang pagkumpirma ni retired Police Col. Edilberto Leonardo sa testimonya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ay nagpatibay na totoong mayroong reward system sa drug war ng administrasyong Duterte, kaya libu-libo ang naging biktima ng extrajudicial killings (EJK).

Sa isang press conference nitong Miyerkoles, sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Comm, at mga co-chairman na sina Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Santa Rosa City Lone District Rep. Dan Fernandez na malinaw na ang reward system ang dahilan kung bakit marami ang nasawi sa kampanya kontra droga.

“It has been established that actually there’s a reward system [during the Duterte drug war]. ‘Di na pwedeng itanggi pa ng previous administration,” ani Abante, na nagtanong kay Leonardo kung totoo ang sinabi ni Garma na mayroong reward system.

“Na-establish ang point namin diyan. Whether it be his claim or not, it will be a burden of proof sa mga ayaw tumanggap. Di na sa kanila,” sabi pa ni Abante.

Iginiit naman ni Barbers ang kahalagahan ng naging pahayag ni Leonardo sa pagdinig.

“Ang kanyang ginawa lang naman ay kinoroborrate niya ay sinang-ayunan niya ‘yung testimonya na binigay ni Col. Garma sa kanyang sinumpaang salaysay. Meaning, he is in agreement, he is in approval of the affidavit that Col. Garma executed,” dagdag pa nito.

“So wala pa namin nakikita pang dapat i-dagdag because na-establish na nga ng quad-comm ‘yung existence ng sinasabing reward system doon sa mga nangyayaring extrajudicial killings,” sabi pa ni Barbers.

Sa ilalim ng reward system, sinabi ni Garma na binibigyan ng reward ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspect. Ang halaga ng reward ay P20,000 hanggang P1 milyon depende sa target.

“Meaning in the implementation of the war on drugs, may nangyayaring extrajudicial killings at ito nabibigyan ng reward. So ‘yan ang pinaka-importante na punto kung saan sinang-ayunan at confirmed na may klaseng sistema, reward system, itong si Col. Leonardo,” saad ni Barbers.

“Ang kanyang pag-amin sa Quad Comm will be placed on the records and this record that we will use as basis in writing our committee report, isasama namin,” sabi pa ng solon.

Naniniwala si Barbers na makatutulong ang testimonya ni Garma at Leonardo sa isasagawang preliminary investigation ng DOJ.

Naniniwala rin si Fernandez na malinaw na ang cash-reward-driven drug war.

“Talagang na-establish na eh, kung matatandaan niyo, nagsimula tayo doon sa Davao Colony kung saan may dalawang PDL (persons deprived of liberty) yung sina Tata na nagsabi na binayaran sila ng tig-iisang milyon. Actually nagoyo pa sila doon,” ani Fernandez.

“So basically doon, naka-affidavit ‘yung mga ‘yan. Pati na si Warden Padilla, kino-confirm din niya may nag-utos para patayin at sinabi nila tata may nag-deliver ng pera at binigay doon sa asawa niya,” saad pa nito.

“So ngayon ‘yung mga kila Garma, kila Leonardo, mga confirmatory at mga corroborating na ‘yung mga yan…. So basically kung titignan natin, talagang mayroon talaga.

Wala naman makakapag-deny,” dagdag pa niya. “Ang sinasabi natin, officially binanggit on record doon sa atin sa Quad Comm at ‘yan ang hinahabol natin na maging part of our hearing, or records.”