MDSW

Rice for Work Project sinimulan na ng MDSW

Edd Reyes Jul 19, 2026
86 Views

SINIMULAN na ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang “Rice for Work Project” para sa mga magulang ng mga batang enrolled sa day care center.

Tig-tatlong kilong bigas ang ibinigay sa mga miyembro ng Manila Daycare Parents Association (DCPA) sa District 5 sa Baseco, Brgy. 649 na may mga anak na naka-enroll sa Child Development Centers.

Sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente na humigit-kumulang sa 500 hanggang 600 benepisyaryo mula sa apat na distrito ng Maynila ang makikinabang sa proyekto kapalit ng gagawin nilang pagtulong sa paglilinis sa day care center sa umaga at hapon tuwing Martes at Huwebes.

Kapag nagtagumpay ang pilot implementation ng “Rice for Work Project,” palalawakin ito sa iba pang distrito ng lungsod upang mas marami pang day care parents ang makinabang.