Rice

Rice retailers sa MM magbebenta na ng affordable na bigas

Cory Martinez Nov 8, 2024
59 Views

NANGAKO ang mga rice retailer sa Metro Manila na magsisimula na silang magbenta ng abot-kayang regular at well-milled na bigas sa susunod na linggo.

Ito ang napagkasunduan matapos silang makipagpulong kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. noong isang linggo na kung saan inalam ang dahilan kung bakit hindi bumaba ang retail price ng bigas sa kabila ng pagbawas ng taripa sa bigas.

Sa naunanh pagpupulong, sinabi ng mga rice importer at negosyante kay Undersecretary for Operations Roger Navarro na binawasan na nila ang presyo ng bigas at ito nagkakahalaga na ng P38 kada kilo.

Ayon sa kanila, ang mataas na presyo ng bigas dahil sa pagpatong ng mga rice retailer ng mataas na presyo.

Sinabi naman ng mga kinatawan ng mga rice retailer mula sa malalaking palengke mula sa Manila, Quezon City, Caloocan City, Pasig City, Las Piñas City, Taguig City at Pasay City sa mga opisyal ng DA na mabibigyan sila ng sapat na margin kapag ipinatupad ang price markup sa pagitan ng tatlo at limang piso kada kilo.

Simula ng ipatupad ang tariff reduction noong Hulyo, umaabot na sa 1.7 milyon metriko tonelada na imported rice ang dumating na sa bansa sa unang linggo ng Nobyembre, ayon sa datos ng Bureau of Customs.