NFA

Rice Tarrification Law nirerepaso ng DA

221 Views

NIREREPASO ng Department of Agriculture (DA) ang Rice Tarrification Law (RTL) at ang maaaring maging papel ng National Food Authority (NFA) sa paglago ng produksyon ng pagkain sa bansa.

Sa ilalim ng RTL, ang NFA ang tumitiyak na mayroong buffer stock ng bigas na aabot ng 15 hanggang 30 araw.

Bago ang RTL, ang NFA ang nag-aangkat ng bigas upang madagdagan ang suplay nito sa bansa.

Kabilang umano sa pinag-aaralan ay kung maaari pa ring payagan ang NFA na mag-angkat ng bigas sa kabila ng umiiral na liberalized trading regime.

Mayroong mga sektor na nananawagan na ibasura ang RTL dahil ginagamit umano ito ng mga negosyante upang baratin ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.