Rider Patay ang rider na ito matapos magulungan ng truck sa Mel Lopez Blvd. sa Tondo, Manila.

Rider nagulungan ng 10-wheeler truck, dedo

Jon-jon Reyes Sep 29, 2024
9 Views

TODAS ang big bike rider nang magulungan ng 10-wheeler truck sa Mel Lopez Boulevard sa Vitas, Tondo noong Sabado.

Nagtamo ng matinding bali sa katawan ang biktimang si Leland Bernar ll, 32, na siyang ikinamatay niya, ayon sa imbestigasyon.

Kulong naman ang truck driver na si Jonald Semenio, 46.

Ayon kay Police Staff Sergeant Jeffrey Matados, bandang alas-10:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa insidente sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard.

Ayon sa ulat, pagsapit ng rider sa Katuparan St. nawalan ng kontrol ang motorsiklo dahil sa buhangin sa kalye bukod pa sa tricycle na nag counter flow.

Dahil dito nagulungan ng 10-wheeler ang katawan ng biktima at maging ang helmet ng rider nabasag din.

Dakong alas-10:58 ng gabi ideklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima.

Nahaharap sa kasong homicide with damage to property and truck driver at tinutugis pa ang tricycle boy.