Calendar
Rider sumalpok sa 2 rider, lahat sugatan
SUGATAN ang dalawang runner at ang rider na sumalpok sa kanila noong Linggo sa fun run sa Ayala Avenue, Makati.
Isinugod sa Makati Medical Center ng rescue ambulance sina alyas “Dominic,” 36, at “Salmon,” 34, na nagtamo ng sugat sa ulo.
Sugat naman sa bibig at tuhod ang tinamo ng 17-anyos na rider na umano’y nakainom nang maganap ang aksidente.
Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, galing ng EDSA ang rider nang pumasok sa Ayala Avenue patungo sa Paseo de Roxas dakong alas-9 ng umaga kahit may barrier.
Pagsapit sa harap ng Ayala Tower One sa Barangay Bel Air, nasalpok ng rider ang dalawang runner kaya tumalsik sa kalsada at sumemplang naman ang rider sa lakas ng salpok.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to property ang rider sa Makati City Prosecutor’s Office.

