RIT Nagbigay ng pahayag si Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, commander ng MPD Malate Police Station 9, kaugnay sa nangyaring encounter laban sa dalawang RIT members sa Malate, Manila.

RIT nakipagbarilan sa MPD pulis; 1 dedo, 1 sugatan

Jon-jon Reyes Sep 27, 2024
120 Views

ISA ang patay at isa ang sugatan na pinaghihinalaang riding in-tandem (RIT) na nakipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Taft Avenue at Dagonoy St., Brgy. 725, Malate, Manila noong Huwebes.

Ayon sa report, nanghoholdap ang mga suspek na sina alyas John Paul, 22, at alyas Cris ng matyempuhan ng mga pulis na nakatalaga sa Malate Police Station 9.

Ayon sa report ni MPD Director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, bandang alas-11:25 ng gabi nang maganap ang armed encounter.

Ayon sa report, matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang mga suspek.

Napag alaman na sangkot ang mga suspek sa mga holdapan at foreigners ang kadalasang binibiktima ng mga ito.

Hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga barangay tanod sa Brgy. 725 at naispatan ang mga RIT members. Doon na nakipagpalitan ng putok ang mga suspek hanggang sa kapwa humandusay ang dalawa.

Armado ng kalibre 38 baril ang dalawang suspek.