RIT Kinilala ni MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang sumukong suspek na isa sa riding-in-tandem (RIT) na bumaril sa trike driver sa Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

RIT suspek sa pagkamatay ng tricycle driver sumukoRIT suspek sa pagkamatay ng tricycle driver sumuko

Jon-jon Reyes Oct 11, 2024
52 Views

SUMUKO sa mga otoridad ang umano’y riding-in-tandem (RIT) na nakapatay ng trike driver sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at Tayuman St., Tondo, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang biktima na si Edwin Gonzales ng Jose Abad Santos Avenue, Brgy. 215, Zone 20, Tondo, Manila.

Batay sa ulat, bandang alas-2:40 ng madaling araw nang mapatay ang biktima may ilang metro ang layo sa Tayuman Police Community Precinct.

Dalawa sa magkaangkas sa motorsiklo ang responsable sa pamamaril ang sumuko.

Ayon sa report, magkasama ang biktima at ang isang tricycle driver na lulan ng tricycle ng makitang nakikipaghabulan ang biktima.

Nang huminto, bumunot ng baril ang gunner at binaril sa ulo ang biktima. Nakaeskapo ang mga suspek at naiwang nakahandusay ang biktima.

Matapos isagawa ang krimen, sumuko ang suspek sa mga pulis.