Rita Daniela

Rita guarded na makitungo sa mga katrabahong lalaki

Vinia Vivar Feb 20, 2025
22 Views

Inamin ni Rita Daniela na mas maingat na siya ngayon sa pakikitutungo sa mga katrabahong lalaki mula nang mangyari ang diumano’y pambabastos sa kanya ng co-star na si Archie Alemania noong nakaraang taon.

Sa isang panayam ay sinabi ng aktres na malaking epekto talaga sa kanya ang nangyari at nagkaroon na siya ng trauma.

“I have to say mas guarded na ako, a bit. I try my very best to still act the same but siyempre hindi mo na ‘yun maaalis sa akin na siyempre may trauma pa rin ‘yan eh. So I just have to really be guarded and be more mindful and really choose the people that I open up to and that I talk to,” pahayag ng aktres.

“Well, of course, it affected me so much. I just don’t like talking about it actually. Most especially now because it’s already a case. It’s already there. But I just think that everything happens for a reason and I trust God why He let that thing happen to me,” aniya pa.

Matatandaang nagsampa ng kasong acts of lasciviousness si Rita laban kay Archie sa City Prosecution Office of Bacoor, Cavite noong Oktubre.

Base sa salaysay ang aktres ay isinakay siya sa van ni Archie para ihatid sa kanyang bahay matapos ang party for “Widow’s War.”

Sa van ay hinawakan at hinalikan umano siya ni Archie nang walamg permiso. Bukod pa rito ay nagsalita pa raw ang aktor ng inappropriate words sa kanya.

Naglabas naman ng pahayag si Archie at itinanggi ang mga akusasyon ni Rita.

ANDREA CAGER DIN ANG BAGONG BF

Matapos ang breakup sa basketeer na si Ricci Rivero noong 2023, may bago na raw boyfriend si Andrea Brillantes ngayon.

Ito ang usap-usapan ng mga netizen sa isang thread matapos maispatan ang aktres na may ka-date noong Valentine’s Day.

May resibo ang netizens dahil may nag-post ng video kung saan ay makikita si Andrea na tila kasama ang basketball player na si Sam Fernandez noong Araw ng mga Puso.

Sa viral video ay nakasuot ng red polka dot dress si Blythe habang nasa likuran naman niya ang basketbolista na may hawak na bouquet of flowers.

Bale ba ay nag-post ang aktres ng reel niya sa TikTok that same day wearing that same dress.

Makikita rin sa video na nasa yate siya. ‘Yun nga lang, sa video na ipinost niya ay solo lang siya at walang kasama.

Ipinost din ni Blythe ang bouquet of flowers na natanggap niya na hindi niya sinabi kung kanino galing.

Ang nasabing bouquet ay makikitang siya ring hawak-hawak ni Sam sa nag-leak na video.

Kaya naman nag-assume na ang netizens na magka-date nga ang dalawa sa isang yacht tour.

Isang netizen ang nag-comment na last year pa namamataan si Andrea na kasama-sama si Sam sa ilang okasyon.

“Last year pa sila spotted. Si Blythe tall guys talaga ang type,” bahagi ng comment ng netizen.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Blythe o si Sam tungkol dito, pero matatandaang kamakailan lang ay sinabi ng aktres sa isang presscon na single pa rin siya’t may mga nanliligaw sa kanya.