Tacloban

Rizal, Tacloban chessers abante sa q’finals

364 Views

KUMPLETO na ang quarterfinal cast.

Winalis ng Rizal Towers, Quezon City Simba’s Tribe, Camarines-Iriga Eagles at Tacloban Vikings ang kani-ksnang mgs katunggali upang umabante sa quarterfinal round ng 2022 PCAP-GM Wesley So Cup chess team championships.

Pinayuko ng Rizal ang Cavite Spartans, 11-10, 11-10, habang binigo ng Quezon City ang Isabela Knight of Alexander, 11-10, 13-8, sa dalawang upsets sa Northern Division.

Kapwa kinailangang talunin ng Rizal at Quezon City ng dalawang ulit ang kanilang higher-rated na kalaban, na may tangan ng twice-to-beat advantage.

Sa Southern Division, iginupo ng Camarines-Iriga ang Cagayan de Oro, 13.5-7.5, at itinumba ng Tacloban ang Palawan Queen’s Gambits, 11-10, para kaagad masungkit ang kanilang ticket sa quarterfinals.

Nagpasiklab sina NM Richelieu Salcedo, NM Noel dela Cruz, Marlon Constantino at Kelly Ann David-Salcedo para sa panalo ng Towers ni lo g-gime chess patron Eduardo Madrid.

Tinalo ni Salcedo si IM Banawa ng Cavite at nakuha ang 4.5 puntos out of six sa kanilang board one showdown.

Ginulat ni Dela Cruz ang beteranong NM Petronio Roca at naiuwi ang lahat na anim na puntos na kanilang pinaglabanan.

Nag-ambag din si NM Elias Lao Jr. matapos gapiin si FM Eduardo Tunguia sa senior board.

Napantayan ng Simba’s Tribe ang panalo ng Towers laban sa kanilang twice-to-beat opponents sa tulong nina NMs Edgardo Garma at Marlon Bernardino Jr. at Robert Arellano.

Nanguna sina NM Gerardo Cabellon at Anwar Cabugatan para sa Isabela.

Samantala, hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng Camarines-Iriga at Tacloban ang kanilang mga kalaban at tjnapos ang sagupaan sa unang sultada pa lamang.

Sa quarterfinals, haharapin ng Tacloban ang top seed Iloilo Kisela Knights habang sasagupain ng Camarines ang No. 2 Negros Kingsmen.

Ang PCAP ay pinamumunusn nina President Atty. Paul Elauria at Chairman Michael Angelo Chua.

Tournament sponsors ang San Miguel Corporation, Ayala Lands at PCWorx.

Schedule of quarterfinals:

North — 1. Pasig vs. 8. Quezon City; 2. Caloocan vs. 7. Rizal; 3. San Juan vs 6. Cagayan; 4. Laguna vs 5. Manila.
South — 1. Iloilo vs. 8. Tacloban; 2. Negros vs 7. Camarines-Iriga; 3.Davao vs 6. Zamboanga; 4. Toledo vs 5..Surigao.