Robes

Robes, GMA pinarangalan ng RPMD

Mar Rodriguez Aug 14, 2023
165 Views

PINARANGALAN ng “Boses ng Bayan” sa pamamagitan ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sina San Jose City Lone Dist. Congresswoman Florida “Risa” P. Robes at House Deputy Speaker at Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kanilang “outstanding legislative performance” bilang mga kinatwan ng Central Luzon.

Ayon sa RPMD, sina Robes, Macapagal-Arroyo kabilang na si Zambales 1st Dist. Cong. Jefferson F. Khonghun ay sumailalim sa isang masusi, masinsinan at metikolosong pagsusuri bilang bahagi ng kanilang independent non-commissioned survey para sa mga miyembro ng Kamara de Representantes.

Sinabi naman ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, na sina dating Pangulong Macapagal-Arroyo, Robes at Khonghun ay nag-tie o nag-pantay ang kanilang mga statistical rating na may pinaka-mahusay na performance bilang mga kongresista sa kani-kanilang Distrito.

Alinsunod sa datos ng RPMD, ang tatlong kongresista ay nakakuha ng mataas na statistical rating tulad ni Robes na nakakuha ng 90.3% habang si Macapagal-Arroyo ay nakakuha ng 89.7% at si Khonghun ay 89.5% bilang mga top performing lawmakers o kongresista sa Central Luzon Region.

Nakakuha din ng mataas na rating ang tatlo pang mambabatas mula sa RPMD na sina House Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Congressman Aurelio “Dong” D. Gonzales, Jr. (87.6%) Bulacan 4th Dist. Congresswoman. Linabelle Ruth R. Villarica (87.3%) at Aurora Lone Dist. Congressman Rommel Rico T. Angara (87.1%) ay magkaka-grupo naman para sa second position.

Habang sina Reps. Mikaela Angela Suansing ng Nueva Ecija (85.9%) at Lorna Silverio ng Bulacan (85.2%) ay nasa ikatlong puwesto. Samantalang nasa ika-apat na puwesto naman sina Pampanga 1st Dist. Congressman Carmelo “Jon” B. Lazatin II (83.8%) at Bataan Congresswoman Geraldine Roman (83.5%).

Ipinaliwanag naman ng RPMD na ang isinagawa nilang “Boses ng Bayan” survey ay kinabibilangan ng “Public Satisfaction Survey” para sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na kumakatawan sa Central Luzon Region. Isinagawa ang survey noong June 25 hanggang July 2, 2023.