Robin

Robin, ’di kinaya ang pagla-live selling ni Mariel

Vinia Vivar Mar 16, 2022
363 Views

Patok na patok ang first live selling ni Mariel Rodriguez sa kanyang Facebook at Instagram last Tuesday night.

Ibinenta ni Mariel ang kanyang mga pre-loved luxury item tulad ng bags, sapatos, children’s dresses at marami pang iba.

Super-hit ang live selling dahil napakarami talagang nanood.

Sobrang ’kaaliw si Mariel dahil talaga namang ang taas ng energy niya habang nagbebenta.

Pero ang mas nakakatuwa ay ang pagko-comment ni Robin Padilla sa comment section habang nagla-live selling ang kanyang misis.

Obviously ay nanonood siya na ewan kung nasaang lugar siya that time.

Isang komento ni Binoe, “Bakit ka mag live selling? Pang tarpaulin ba yan at pang tshirt? Hindi na kaya ng cooking Ina food market ang gastos?”

Maya-maya ay nag-comment na naman siya.

“Babe Gastos pala sa kampanya ang solusyon para lumuwag ang dressing room mo,” sey ni Binoe.

“My goodness babe. Ang mga memories natin na sinasabi mo andyan sa mga bag na yan Desperate Times Call for Desperate Measures,” sey pa ni action star na ngayon ay tumatakbong senador.

Habang tumatagal ay si Binoe na ang sumusuko sa ginagawa ng asawa.

Makikita naman kasi talaga na pagod na pagod na si Mariel at hinihingal na dahil nga ang taas ng energy niya.

“Babe awat na Sapat na siguro yun naipon mo,” komento ni Robin.

Halatang hindi masyadong tanggap ni Binoe ang ginagawang live selling ng asawa. Sey pa niya, “Hindi talaga ako makapaniwala na ginagawa mo ito.”

Isa pang comment niya, “What wife can sacrifice in the name of support.”

Sey pa ulit ng aktor, “Mabigatan na yan ah pati mga nasa baul lumabas na Ano ba yan babe pang tv ad ba yan.”

Heto pa, aniya, “Babe Hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon Nakakuadro ang mga gamit mo na yan Mas nahihimas mo pa nga sa akin ang mga bag at sapatos mo.”

Halata ngang hindi makapaniwala si Binoe dahil sey pa niya ulit, “Unbelievable.”

Nabasa ni Mariel ang comment na ito at sinagot niya ang mister. “Naku, babe, ‘wag ka nang mag-ano diyan.” Hahaha!

Sinasagot din naman ng mga netizen si Robin at sey nila, dapat ay matuwa siya na napakasipag ng kanyang misis.

Inabot ng madaling-araw si Mariel sa pagla-live selling pero super successful naman dahil nabili halos lahat ng kanyang items.

Kaya naman kinabukasan ay nagpost siya ng pasasalamat.

“Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefully i can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako. in the meantime i ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Pls bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!” ani Mariel.