Awra

Awra, ipinagtanggol si Julia sa isyung pangit ang ugali

Jun Nardo Mar 16, 2022
204 Views

JuliaDUMEPENSA si Awra Briguela kay Julia Barretto sa mga nagsasabing pangit na ugali nito.

“Mabait po si Ate!” rason ni Awra sa mga nagsasabing hindi maganda ang ugali ni Julia. Magkaibigan ang dalawa at magkasama sa Viva movie na The Seniors na streaming sa Vivamax sa March 20.

Tungkol sa senior high school students ang movie at si Julia, eh, transferee sa school nila.

Siyempre, sa panahong ganu’n, uso na rin ang bullying. Pero wala raw umubrang bullies kay Awra.

“Sa laki ng katawan kong ito? Subukan nila! Hahaha!” pagmamalaki ni Awra.

Eh, si Julia, nakaranas na ma-bully noong high school days niya?

“Ngayon lang ako nakatikim na ma-bully!” sagot ni Julia.

Sa totoo lang, pagdating sa paggawa ng youth- oriented movies, forte ito ng Viva Films kung aalamin ang history ng company na gumawa ng mga pelikulang Bagets, Wooly Booly, Puto at marami pang iba.

NAKAKAALIW  NA KASUNGITAN

NAKAKAALIW na si Bianca Umali sa una niyang romantic comedy program na Mano Po Legacy: Her Big Boss.

Eh, ang isa sa leading men niyang si Ken Chan, without knowing it, nakakatuwa ang sungit bilang big boss.

Aliw na aliw kami sa eksena last Tuesday kung saan tinatalakan niya ang female executive assistant niyang senior na!

Si Bianca ang papalit sa EA na oldie at sila ni Ken ang magiging mag-amo.

Wala mang tarayan at sampalan sa bagong installment ng Mano Po Legacy after ng unang installment na Family Fortune, ibang putahe naman ang sungit ni Ken at kalokahan ni Bianca, huh!