Calendar
Robles ginawang rear admiral ng PCGA
PROMOTED na sa Rear Admiral mula sa dating Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles.
Ginanap ang promotion sa headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) at inilarawan ni Robles ang promosyon na oportunidad para mapalakas ang kanyang pangakong pagkakaloob ng serbisyo sa publiko na para sa kanya ay dapat na naroon siya at handang tumulong kapag kailangan ng mamamayan.
Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng PCSO sa PCG sa paghahatid nila ng mga supply at iba pang kaukulang tulong ng mga naapektuhang komunidad sa panahon ng kalamidad.
Nangako si Robles na ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa kapwa niya mga opisyal ng PCGA at mga tauhan sa pagkakaloob ng serbisyo.
“Because at the end of the day, our positions, titles, and ranks are meaningful only when we use them to serve others,” pahayag ni Robles.

