Leni Leni Robredo

Robredo, Alvarez may pinakamataas na disapproval, distrust ratings sa gobyerno

Nelo Javier Mar 30, 2022
237 Views
Pantaleon Alvarez
Dating House Speaker Pantaleon Alvarez

TAMPULAN ng kantiyawan ngayon sa social media ang pagsasanib pwersa nina Leni Robredo at dating House Speaker Pantaleon Alvarez, ng Partido Reporma, dahil nagsama raw ang dalawa na sinasabing may pinakamataas na disapproval at distrust ratings sa administrasyon ni Duterte sa mga nagdaang survey.

Matatandaan na sa 2017 survey ng Pulse Asia, lumalabas na si Robredo at Speaker Alvarez ang kapwa nakakuha ng pinakamataas na disapproval at distrust ratings sa limang may pinakamataas na posisyon sa bansa.

Simula Disyembre hanggang Marso, nanatili si Robredo na “pinaka-distrusted” at “pinaka-disapproved” na opisyal ng pamahalaan na nakakuha ng 16 porsyento.

Pinakamataas ang disapproval ni Robredo sa Class ABC, na dating 14 porsyento noong Disyembre 2016 at lumobo sa 29 porsyento noong Marso ng 2017.

Sa mga lugar sa bansa, pinakamataas ang disapproval rating ni Robredo sa Metro Manila na mayroong 25 porsyento, at Mindanao, 18 porsyento.

Sinundan si Robredo ni Alvarez na noon ay Speaker ng Kongreso na nakakuha ng 14 porsyentong disapproval rating.

Nakakuha si Alvarez ng highest disapproval rating sa buong Luzon mula sa 15 porsyento noong 2016 at naging 18 porsyento noong 2017.

Maging sa kanyang hometown sa Mindanao tumaas din ang kanyang disapproval rating mula 7 porsyento at naging 11 porsyento.

Pinakamataas din ang kanyang disapproval rating sa Class ABC, mula 11 porsyento noong 2016 at naging 20 porsyento noong 2017.

“Nagsama ang parehas hindi mapagkakatiwalaan at parehas hindi pinaniniwalaan ng publiko,” ayon sa isang netizen.

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo ni Alvarez na tinatalikuran na nila ang kanilang kandidato sa Partido Reporma na si Ping Lacson para suportahan si Robredo.

Pero ibinunyag ni Lacson na kaya siya tinalikuran ng kanyang partido ay dahil tumanggi siyang magbigay ng P800 milyon na hinihinging campaign fund kuno ni Alvarez para sa Davao del Norte.

Naglabasan din sa mga ulat na ang kampo ni Robredo ang kumagat sa kikil ni Alvarez at nagbigay ng P800-M kapalit ng suporta at sa masamang balak nila na kapag iniwan na ng partido si Ping ay aatras na ito sa laban.

Maliban sa pagtataksil na ito ay binitbit pa ni Alvarez si Tito Sotto para tumakbo na running mate ni Leni na pinayagan naman ng huli kahit pa alam niyang ang totoo niyang running mate ay si Kiko Pangilinan.

Pero pumalpak ang plano ng kampo ni LeniNPA ng hindi umatras si Ping at sa halip ay nagdeklara pa na lalaban siya bilang independent